Sunday, January 27, 2013

Freshman (11)


Madaling araw na nang dapuan ako ng antok kaya tanghali na nang ako ay magising. Halos magdamag akong nakipaglaban sa libog ng aking katawan, di maalis sa isip ko yung bagong guard. Nakapagparaos pa nga ako sa sarili habang iniimagine na nagse-sex kami. May kakaibang dulot na init na talaga sa aking ang mas nakatatanda sa aking lalaki. Para ba akong mauubusan ng titi kapag nariyan sila, di ako papapigil, di papaawat, laban kung laban. 

Pero bigo ako sa kaing pantasya na matikman ang aking puntirya at sa piling ni Tito Ambet ko na lang inilabas ang aking init ng katawan. Di rin naman nagpahuli sina Marc at Marvin dahil pinabaunan pa nila akong muli bago matapos ang huling araw ng aking sembreak. 


Sa pagbabalik ko sa boardinghouse ay agad na bumugad sa akin ang  caretaker na kung saan ibinalita niya sa akin na mayroon na raw isang bakanteng kwarto. Sa una pa lang ay ginusto ko na mag-isa lang ako sa room pero dahil walang bakante noon ay napilitan akong maki-share na lang sa iba.

Nagdalawang isip pa ako kung kukuhanin ko ang kwarto, hindi ko na makakasama sina RJ, Carlo at Andy. Di ko alam kung paano ko nakumbinse ang sarili ko dahil ng araw ding iyon ay naglipat ako ng mga gamit. Pang solong kwarto naman ang budget na ibinibigay sa akin buwan buwan kaya alam kong di ako kakapusin ng panggastos.

 Nang matapos akong maglipat at mag-ayos ng gamit ay mabilis akong nakatulog. Siguro dahil sa pagod ay di ko na namalayan na nakatulog ako sa kama at halos hatinggabi ng ako'y magising dahil kumakalam ang sikmura ko sa gutom. Hindi ko kayang tiisin ang gutom kaya't lumabas ako ng silid para maghanap ng mabibiling pagkain. Sa isang tapsihan ako napadpad at busog na busog akong naglakad pabalik sa dorm at excited na sa muling pagbubukas ng klase.

Habang palakad ako pabalik ay nakasunod pala sa akin si Mike, maganda naman ang bati niya sa akin na para ba kaming dating close friend na matagal na di nagkita. Pigil na pigil naman ako sa kakiligang naramdaman.

"Kamusta ang bakasyon mo, mukhang tumaba ka ah." bati ni Mike

"Ah, ganun ba, kain tulog kasi eh ako sa amin eh" natatawa kong sagot.

"Mabuti ka pa.." sagot naman ni Mike

"Baket naman, anung problema?" tanong ko sa kanya

"Ah wala," sabay hinto niya sa paglalakad na parang may kinukuha sa kanyang backpack.

"Gusto mo? Kumakain ka ba nito?" iniabot sa akin ni Mike ang isang plastic ng espasol.

"Uy, wow, gusto ko nyan. Sarap nito!" excited na kinuha ko ang binigay ni Mike.

"Sige, ubusin mo na yan bago pa tayo makapasok sa loob, wala kasi akong pasalubong sa kanila eh baka manghingi, alam mo naman iyong mga yun." ang sabi  ni Mike na umakbay sa balikat ko habang naglalakad kami palapit sa dorm.

Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nagulat naman siya kung bakit ako biglang huminto at tumingin rin siya sa akin. Iyon na yata yung unang pagkakataon na nagtapat ang aming mga mukha, sobrang lapit at di magkandaugaga ang mata ko kung saan ako titingin: sa mata ba niya, sa labi, o sa pisngi niyang masarap pisilin.

"Oh baket Miggy, may nakalimutan ka ba?" mabilis na tanong ni Mike sa akin na naka-akbay pa rin sa balikat ko.

Hay, gusto kong himatayin sa tuwa at kilig. Parang yakap yakap na rin ako ng crush ko. At ramdam na ramdam ko yung hininga niya na sumasampal sa mukha ko ung nagsalita siya.

"Eh kasi Mike, di na ko dun sa kwarto niyo. Lumipat na ko ng ibang room" sagot ko sa kanya.

"Ha, bakit? Ayaw mo na ba kaming makasama? May naka-away ka ba? Si RJ, Si Carlo siguro noh? Ano inaway ka ba niya, anung ginawa niya sa iyo" urirat ni Mike.

Napaupo muna ako sa unang set ng hagdan paakyat ng dorm units namin. "Wala noh. Walang umaway sa akin, bakit mo naman naisip yun? Eto naman talaga kasi yung gusto ko nung una pa. Eh gusto nga ako dalawin dati nina mama dito pero nagpalusot na lang ako. Ang alam nila kasi solo ako sa kwarto ko." paliwanag ko sa kanya na medyo kinikilig pa rin dahil sa pinakita niyang concern sa akin.

"Ah ganun ba? So ibig sabihin matagal mo na palang kinukupitan parents mo ha!" natatawang banat ni Mike

"Ah, ehh... parang ganun na nga. Ikaw naman parang ang sama naman ng dating ko sa sinabi mong yan" sagot ko

"Di naman sa ganun. Mabuti ka pa, ako kasi sakto lang ang allowance ko minsan kapos pa nga. Okay nga yung mag-isa rin, gusto ko din yan noon. Eh kamalas-malasan mga kasama natin sa dorm saksakan ng mga kulit. Ang kalat pa lagi, haay... buti ka pa makakawala ka na sa mga asong yun." sabay pisil niya sa balikat ko.

"Teka, eh pano kung may umaway nga sakin ha?" hirit ko pa.

"Aha! Sabi na nga ba eh, tama ako, sino ba ha? si Mike

"Wala nga. Bakit kung meron ba, anu gagawin mo, ipagtatanggol mo ko? tanong ko ulit.

"Oo ba, resbakan natin yan sino ba, si Carlo yan noh!!! Kala naman ng Carlo na yan porke member sya ng frat eh natatakot ako sa kanya." habang nakahawak sa kanyang kamao, "Uhmmm, ikaw din nga pala member na rin" napayukong sabi ni Mike.

"Ikaw! Ikaw at hindi ako." sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at inalam kung ano ibig kong sabihin.

"Kayo ang mukhang may away dahil sa tono mong yan. Tama ako di ba" bawi ko sa kanya. Sandaling nanahimik si Mike na parang may malalim na iniisip. Doon ko siya napagmasdan at natitigan ng matagal, malungkot ang magaganda niyang mata. Parang may galit na di maipaliwanag. Walang gana ang ngiti sa mapupula niyang mga labi.

"Ah Mike, gusto mo... ah.. pwede ba.. na.. ah ano, gusto...?" nauutal ako. At mukhang nakulitan na siya, "Ano?!" masungit na tanong ni Mike. Para akong napahiya, nag-alangan kung itutuloy pa ang nais sabihin.

"Galit ka?" tanong ko

"Hinde, ano ba nangyayari sa iyo parang nakaain mo yang dila mo, ano ba sasabihin mo?"medyo masungit pa rin ang tono ng boses niya na nakatingin sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. Para akong pinagpawisan ng malamig, kinakabahan ako at nahihiya...

"Eh anu kase... kung gusto mo, kung ok lang.. ahhh.."

"Ano nga?" pangungulit ni Mike

"Gusto mo dun ka na lang sa room ko. Okay lang sakin! Okay lang ba sa yo?" mabilis kong sagot.

Numiti lang siya at nanahimik sandali. Nag-isip, ngumiti ulit. "Ako? Akala ko ba gusto mo solo mo ang kwarto, bakit mo ko inaalok na makasama mo?" pagkasabi ay muli niyang kinuha ang kanyang backpack at parang may hinahanap sa loob nito.

"Eh, naisip ko lang naman, ako rin inis dyan kay Carlo noon, ang yabang kasi. Okay ka naman sa akin eh, ayoko rin ng makalat at maingay sa kwarto."  aktong tatayo na sana ako nang hawakan ako ni Mike.

"Thank you ha, ang bait mo talaga." pagkasabi ay nagsindi ng sigarilyo si Mike, iyon pala ang kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang bag.

"Nagyoyosi ka?!!" tanong ko sa kanya.

"Uhmm..." sabay tango ng kanyang ulo. Pa-cute ang ngiti nito na lalo pang nagpakilig sa akin. "Ikaw, gusto mo?" sabay alok ng yosi na hawak niya. Kinuha ko iyon at binale sa harapan niya. "Masama yan, tigilin mo na to, di bagay sayo to!" pagkasabi ay tumalikod na ako at nag-umpisang umakyat ng hagdan. Sumunuod rin agad si Mike sa akinat walang imik. Hinihintay kong may sabihin siya, kung nagalit siya dahil binale ko yung yosi niya pero wala. Hanggang sa makarating ako sa floor ng bago kong nilipatang kwarto.

"Lika muna, may papakita ko sayo" sabay hatak sa kamay niya na iniabot naman niya at walang pagtangging sumunod sa akin. Nagmadali akong kinuha ang susi sa aking bulsa para mabuksan ang aking silid para ipakita kay Mike.

"Eto na yun! Eto'ng bago kong room."

"Ayos ah, parang kwarto talaga sa bahay." manghang sagot ni Mike na pinagmamasdan ang buong paligid.

"Isa nga lang kama ko dito pero may space pa naman para sa isa eh" pangungulit ko sa kanya.

"Bakit ang bait mo?"napaupong sabi sa akin ni Miike. "Uy, lambot ah!" dagdag pa niya habang sinasalat ang kama.

Napangiti ako sa kanyang naging reaksyon habang nag-iisip ng isasagot sa kanyang tanong. Sobrang saya ko na makita siyang enjoy na enjoy na dinadama ang lambot ng aking kama.

"Kung di ka lang astigin, iisipin kong bading ka at type mo ko kaya ka ganyan sa akin. Pag ganyan ka ng ganyan, haay... baka mawili ako at makalimutan ko rin lalaki ako. Baka magkagusto na ko sa yan kasi sobrang sweet mo!" ang pamatay na sinabi ni Mike.

Gusto kong magtatalo sa tuwa sa mga narinig ko. Nanlambot ang tuhod ko at namanhid ang buong mukha at katawan ko. Feel na feel ko na kinilabutan ako at nagtayuan pati mga balahibo sa batok at anit ko. Parang may kung anong malamig na hanging ang umihip sa akin. Habang tuluyan nang nahiga si Mike sa aking kama, di napigilan ng mga mata ko na pagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

Bakit ba pagdating kay Mike natatameme ako. "Kung ibang lalaki lang to kanina ko pa nakain ang burat nito eh" bulong ko sa sarili. Isang malalim na buntong hininga at lakas loob akong lumapit kay Mike. Inabot ko ang kanyang binti at paa at inalis ko ang suot niyang sapatos.

"Baka madumihan kasi tong bedsheet. Sarap matulog dito noh, lambot di ba?" sabay bawi ko sa kanya.

Alam kong may kakaibang pahiwatig ang ngiting isinukli ni Mike sa akin habang titig na titig siya sa akin nung inaalis ko ang sapatos niya. Gusto rin niya ang ginawa ko kaya mas lalo namang nagtutumalon ang puso ko, kabog kabog ang dibdib ko na para akong tumakbo ng ilang kilometro.

"Pwede ba ko makitulog dito ngayon" tanong ni Mike na umaangat ng kaunti na parang inaayos ang kanyang paghiga. Inilapat na niya ang kanyang ulo sa aking unan.

"Oo naman, good night!" sagot ko at umayos na rin ako ng pagkahiga.  "Salamat ha, goodnight din" bulong ni Mike.

Kinaumagahan ay mas nauna akong nagising. Himbing na himbing ang tulog ni Mike na kahit tapos na akong maligo ay tulog na tulog pa rin siya.

"Mike.. Mike... gising na, what time pasok mo?" habang tinatapik ko siya sa balikat.

"Uhhmm... maya pa ko... 7:30 pa yun..." antok na sagot niya na parang naalimpungatan lang.

"6:30 na kaya noh! Bumangon ka na diyan, aakyat ka pa sa taas dahil andun mga gamit mo." pamimilit ko sa kanya.

Bigla siyang napadilat na para bang nagising sa realidad na wala siya sa kanyang kama. Mabilis na tumayo at nagsapatos si Mike, nagpaalam at nagpasalamat at nagmadaling lumabas ng aking silid. Sa sobrang kilig ko ay muli akong humiga kung saan pumwesto si Mike at ikiniskis ang katawan ko doon. "Para ko na rin siyang nayakap" sabi ko.

Bigla naman akong nagulat ng may kumakatok sa aking kwarto, "sino naman tong ang aga-aga mambulahaw" napapakamot ulong lumapit ako sa pinto. Ang pagkasimangot ko ay biglang napalitan ng ngiti, dahil si Mike bumalik.

"Oh bakit, may nakalimutan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman, may naliligo kasi, pwede ba ko..." nahihiyang sagot ni Mike. Bago pa niya natapos ang sasabihin ay hinila ko na siya papasok sa loob. Bitbit niya ang kanyang bag at isang set ng uniform pati na rin ang kanyang black leather shoes.

"Sige na maligo ka na para sabay na tayong pumunta ng campus. Ako nang bahala dito.." sabay agaw sa dala niyang damit at gamit habang pinagtutulakan ko siya patungo sa CR. Halos kakasara lang niya ng pintuan ng banyo ng katukin ko siya para iabot ang twalya ko, agad niyang binuksan at tumambad sa akin ang naka brief lang na Mike.

"Eto twalya oh... yung sabon baka di mo makita, ayun oh," sabay turo sa liquid soap. Ngiti lang isinagot ni Mike at tinuloy na paliligo. Hindi ko alam kung nanunukso siya o wala lang talaga sa kanya, hindi na kasi niya isinara ang pinto ng CR.
Gustung-gusto ko mang sumilip pero nagtimpi ako, napigilan ko ang sarili ko at naghintay na lang sa may kama habang para akong tangang hawak ang damit na isusuot ni Mike. Maya-maya ay lumabas na siyang nakatapis lang, nakangiti siyang lumapit sa akin at kinuha ang nakatuping puting brief na nasa ibabaw ng nakatupi niyang polo na hawak ko sa aking kandungan.

Pagsuot niya ng brief ay inalis na ang towel at kinuha ang kanyang slacks, nanatili akong nakaupo at napako sa panonood sa kanya habang nagbibihis. nang kunin na niya ang polo ay nagawa ko ng tumayo, inabot ko ang tuwalyang nakasampay sa kanyang balikat para i-hanger sana pero pinigilan ako ni Mike.

"Ako na to, nakakahiya na sa iyo" nakangiting bulong ni Mike sa aking mukha. Amoy na amoy ko tuloy ang kanyang hininga, amoy toothpaste pa. Para akong lumulutang sa nangyari, halos di makagalaw o makakilos ng tama.

"Ah.. Miggy, kundi naman nakakahiya, may gel ka ba?" tanong ni Mike habang siya naman ay nagsusuot ng polo. Tinungo ko kung saan nakalagay ang aking mga toiletries at iniabot sa kanya ang gel. Habang nag-aayos ng buhok ay napasin kong mali ang pagkabutones ng polo ni Mike. Lakas loob akong lumapit at inayos ko iyon, isa-isa kong binuksan para muling isa-ayos ang mga ito at itama. Napatingin lang siya sa akin at napangiti at hinayaan lang ako sa ginawa ko habang patuloy niyang inaayos ang kanyang buhok.

Parang eksena sa teleserye, yung inaayos ng leading lady yung polo o neck tie ng kanyang leading man tapos hahalikan siya. Haay sana nga ganun nga, kinakabahang naisip ko.

"Oh pogi na ba ko?" mayabang na tanong ni Mike nang matapos ayusin ang buhok. Tapos ko na rin ayusin ang butones ng kanyang polo.

"Opo, poging pogi kaso sana marunong po kayong magsuot ng polo di ba"  ngisi kong sagot sa kanya.

Parang napahiya siya at binawi ang ngiti. May pagkasensitive yata itong si Mike.

"Oh ano ready ka na, tara na?" tanong ko kay Mike. Muling bumalik ang ngiti sa kanyang mukha at tumango sabay sabi nang, "Yes, sir!"

Saktong paglabas namin ng kwarto ko ay naabutan kami ni Andy na pababa galing sa dati naming kwarto. Napahinto ito at nagtatakang nagtanong, "Oy Miggy, san kayo galing. Bakit andyan kayo, sino pinutahan niyo dito ni Mike" sunud-sunod na tanong ni Andy. Nagkatinginan at sabay pa kaming napasagot ni Mike nang, "Wala!" Naiwan ni Andy ang ID kaya mabilis siyang bumalik sa itaas, sumigaw pa siyang hintayin namin siya pero tuluy-tuloy kaming naglakad ni Mike.

Sa labas ng dorm, malapit na sa campus gate ay nakasalubong namin si Carlo. Parang galing sa kung saan si Carlo kasama ng iba naming ka-frat. Agad nila akong binati, kinamusta at pinalibutan. dahil doon ay napalayo si Mike sa akin at nakita ko na lang na naglalakad na siyang mag-isa papunta sa klase niya. Lumingon naman siya at nakangiting kumaway sa akin na para bang nagpapasalamat at nagsabing sa uulitin.

Napilitan akong makisabay sa mga kaibigan at kagrupo namin ni Carlo. Pero kahit na sobrang kulit nila ay di maalis sa isip ko ang nakaraang gabi. Katabi kong natulog ang crush ko, malaki ang pag-asa ko na magiging maganda ang pakikitungo sa akin ni Mike.





(itutuloy...)





No comments:

Post a Comment