Showing posts with label Gay and Beyond. Show all posts
Showing posts with label Gay and Beyond. Show all posts

Tuesday, January 29, 2013

Freshman (12)

Sa buong araw na iyon, lutang na lutang ako kasiyahan dahil sa magandang kaganapan sa amin ni Mike. Hindi nga kami nag-sex pero kakaibang energy yung naibigay niya sa akin. Parang ang gaan-gaan ng lahat ng araw na iyon. Lubhang naging napakabagal ng oras, maya't-maya kasi ay tumitingin ako sa orasan. Gusto ko nang matapos agad ang araw dahil excited na ko na muling makasama si Mike. 

Nahulog na nga yata ang loob ko. Wala yata akong inisip nang araw na iyon kundi siya. Ganun ba talaga ang pakiramdam na may hinahanap kang tao, siya lang ang nasa isip mo, gusto mo siyang makapiling sa bawat oras, sa grupo ng karamihan hinahanap mo ang mukha niya. Sana sa bawat lingon mo, naroon siya. Haaayyy... 

Sunday, January 13, 2013

Best Friends (2)


"Pinilit ko Adan. Naghanap ako ng ibang mapapasukan pero anung napala ko, eto... wala! Palamunin mo! Dahil hindi ako katulad mo... matangkad, gwapo, matipuno, at higit sa lahat nakapag-aral ka. Eh ako, ni high school hindi ko natapos!!!" naiiyak na sagot ni Rolly sa akin.

Hindi naman pangit itong si Rolly, may mukha rin naman at katawan siyang ipagmamalaki pero mahina ang loob. Kung baga sa sundalo, susugod basta-basta. Tira lang ng tira. Naawa ako sa kaibigan ko, hindi ko naman naisip na sumbatan siya kahit minsan dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Hindi nga pumasok sa isip kong palamunin ko na siya ng mga panahong iyon.

"Nung ako yung wala, ikaw ang nagbigay. Hindi mo ko pinayabaan. Tayo na lang dalawa sa buhay Rolly, tayo lang ang magkaramay kaya tayo rin ang magtutulungan, wala dapat sumbatan" maamong sabi ko sa kanya.

Saturday, December 1, 2012

Freshman (10)


Sa pagsisimula ng second semester ay medyo nahirapan akong ibalance ang academics, extra curricular at dahil na rin sa pagiging neophyte sa sinalihan kong frat. Higit na mas maraming oras ang kailangan ko para magawa lahat ng school works at iba pang mga bagay na may kinalaman rin sa school bagamat hindi academic. Pero kahit ganun, hindi rin nagpahuli ang mga sexcapades sa campus at sa boarding house. Mas lalo pang naging madalas ang pakikipag sex ko sa aking mga dorm mates na sina Carlo, Andy at RJ. Minsan pa ring naulit ang threesome sa amin nina Carlo ng kanilang fraternity leader. 

Sunday, November 4, 2012

Freshman (9)


Freshman (9)

Semestral break na kaya excited akong mag-empake ng mga gamit para bumalik sa amin. Napakaraming plano sa utak ko na di ko alam kung magkakasya sa sandaling bakasyon. Napakadalang ko kasi umuwi sa bahay, kung umuwi man ako ay sandali lang para kumuha ng pang gastos ko. Kahit paano ay na-enjoy ko naman 1st sem lalo pa nung huli na may mga nangyayari na sa amin ng ka room mate ko at may extra pa. Bagamat matagal akong natigang nung una ay naging sulit naman sa huli, naiisip ko lang na kung magpapatuloy ang ganon hanggang makatapos ako ng kurso ko ay wow, sulit na sulit na! Nariyan si Andy, si RJ at si Carlo na puro mga malilibog ring katulad ko. Isang sem na lang at aalis na si Carlo kaya may bago pa akong matitikman bukod sa pinaka-aasam kong si Mike.